Aba akalain mo yun, it's my 4th week already pero 2nd blooper blog ko pa lang! It's a miracle!
Random bloopie #1:
Kanina nasa Lower Level (LL) ako magpapainit ng baong lunch (don lang may microwave so kelangan talagang bumaba). I'm all alone at walang kasama. Eh di nagmamadali ako, placed my lunchbox in the first microwave that I saw. Press "Cook time". Press time "1:00". Okay.. Okay. Press "Start".. ayaw! aba! Press "Start" ulit. ayaw pa din. Press "Start" one more time. Ayaw pa din. Potek, pinagpapawisan na ako, kahit ang lamig. At madaming mga tao don na di ko kilala. Lipat na lang ako ibang microwave. ayun, gumana naman. bwisit na microwave yon. Pinahirapan pa ako.
Random Bloopie #2:
Last Friday manonood kami ng Matchbox Twenty concert, usapan magkikita ng 5PM sa office lobby. Since work from home, galing ako ng apartment. duh. work from home nga eh. So ayon, I miscalculated the time, ended up leaving the apartment 3mins before 5. I rushed to the bus stop, aba walang bus! kung kelan naman kailangan ko ng bus. I ended up walking/running papuntang office. Okay lang sana di ba?! Sanay naman ako maglakad. Ang kaso nag-snow the night before. Mga tipong 3 inches lang naman yung snow sa side walk. Hmm so medyo ma-snow, madulas pero keri lang. Tapos sa isang intersection, nalinlang ako ng isang gutter..akala ko solid ground...may tunaw na yelo pala. bwahahaha! Basa ang nike free! squish squish.
Random Bloopie #3:
Dati pa to, mga first week ko ata...Gusto ko sana magkape sa pantry. Pero sosyal kasi kape dito..."brewed" kuno. Akala ko tuwing kukuha ka ng kape, kelangan mo mag-brew. so pinindot ko "Brew".Antay ako, wala. Antay pa konti. wala pa din. Alis na lang ako. Pagbalik ko after ilang minutes, nakita ko yung isang babae kumuha ng kape, may pinipindot lang pala don para lumabas yung kape (at take note: di mo na kailangan mag-brew everytime!) geeeshhh
mare! buti hindi nagoverflow yun! Ako naman dati inaabangan ko na may mag brew para makikisabay ako...e ang aga ko at inaantok at gusto ko magkape. So i pressed "brew". E ako naman ang mega makulit, nakalagay na nga na press brew once...kala ko kasi hindi ko napindot...ayun! nagoverflow. hahahaha! umalis nalang ako sa pantry pag balik ko nakita ko nililinis na yung nagoverflow hehehehe!
ReplyDeleteayan din naman ang ikinatakot ko. baka mag-overflow. kaya umalis ako agad. mabuti naman hindi nangyari sa akin. mas malufet ka pre. XD hehehehe
ReplyDeleteako din madaming bloopers lalo na sa coffee brewer na yan hehehe nasanay din kasi ako sa manila na pindot lang ng pindot tapos automatic coffee na hehehe :P
ReplyDeleteRog naman! Kaya pala mas malaki na yung sign na PRESS BREW ONCE ONLY :P baka sa susunod may translation na yun sa tagalog hahha
HA HA HA HA.. buti nalang ako hindi ko na sinubukan.. HA HA HA
ReplyDeletehahahaha! Aba it's refreshing to know na hindi ako nag-iisa sa mundo! bwahahaaha! kaya nga nabawasan ang caffeine fix ko eh kasi mahirap mag-kape dito. tsaka parang iba ang lasa. hindi kagaya sa manila, pili ka lang ng number, viola! Moccha frap!
ReplyDeletetrue... actually lasang lupa yung kape nila dun... which is why despite free and freshly brewed siya, pumipila pa mga tao sa starbucks sa baba :P
ReplyDeleteteka teka... na try mo na gumawa ng iced tea? :P yun ang mas exciting hahahaha
hehehe...hindi ko pa na-try..kasi nag-try ako kumuha minsan, di ko din type lasa eh. bwehehehhe. mas masarap yung instant nestea iced tea ni manong city service. lol!
ReplyDeleteteka...mahirap ba? magbabaha ba sa pantry pag nag-try ako? haha
Ann!! Na sa Chicago ka na ba? Ano balita?
ReplyDeleteuy Elg! oo mag-1 month na din. ayus naman po. eto panay bloopers and gimik (check mo na lang sa blog and pictures). hehe. aba syempre nagtratrabaho din ako. haha baka sabihin mo hindi eh. ^_^
ReplyDeletebakit? mahirap din ba gumawa ng iced tea? buti nalang hindi masarap ang iced tea sa US..matabang hehehe!
ReplyDeleteWow! Sarap naman! Punta kang Navy Pier at shop ka sa may Michigan Ave sa Hersheys at Ghiradelhi (not sure sa spelling) para sa pasalubong namin! Hahaha! Di ka man lang nagpasabi para nakalabas tayo. Ingatski!
ReplyDelete