Ang isang tao ba kapag may gustong gawin sa buhay na ikasasaya nya kailangan pang mag-explain sa buong mundo? Paano kung ang ikasasaya nya ay malungkot sa paningin ng buong mundo? Masama ba iyon? Kanya-kanyang diskarte lang naman sa buhay di ba? Kanya-kanyang trip lang yan. Kung di mo masakyan eh di maghanap ka ng ibang dyip. hehe.
Hindi pa ba napapagod ang buong mundo sa kakatanong ng bakit ka ganyan? Hindi pa ba sila pagod mag-analyze kung bakit weird ang ibang tao? Hindi porke't ang tao ay iba sa kanila, masama na yon. Hindi naman di ba? Kanya-kanyang trip lang sa buhay. Kanya-kanyang source ng kaligayahan. Kung magkaiba kayo ng source of happiness, punta ka sa mars baka don maging parehas kayo...
Ang isang tao ba walang karapatang mapagod? Walang karapatang maging iba? Sabi nga ni Spanky Rigor, "Be iba, di ba?" Hindi porke't gusto ng buong mundo ng apple, eh bad ka na kung gusto mo ng strawberry. Kanya-kanyang hilig lang yan. Kung mahilig ako wala kang pakialam. bwahahahaha!
Ikaw, hindi ka pa ba pagod sa kakabasa nito at kakaisip kung anong sense ng pinag-sasabi ko? Hindi porke't hindi mo maintindihan, kailangan mong intindihin. Kanya-kanyang blog rants lang yan. Kanya-kanyang non-sense na blog post. Kung wala ka pa non, sumulat ka na din. har har!
peace out, mga pre.
bwahaha in short "wlang pakialamanan" bwahaha ang kulit nman nitong blog mow =)
ReplyDeletekorak! nadali mo. hahaha... kitto daijoubu, ne? meron lang talaga di maka-gets... bwahahaha
ReplyDeleteTAMA! kanya kanya lang yan.
ReplyDeleteshot shot!! rak en rol!
ReplyDeletehindi porke't ang inglesh ng baboy na chinapchop, eh may sense na tong reply ko diba ate ana tublini? jampfhong. :D
ReplyDeleteit begs the question "what is the meaning of life?" s#@t! ano daw?? :p
ReplyDeleteAmen sistah. Amen ako dyan...
ReplyDelete