Thursday, April 9, 2009

Office Bag Raid!

Ewan ko ba at enjoy na enjoy kaming pag-usapan sa office ang mga bag raid na ginagawa sa SNN. Kaya naman nung last day ko sa office bago mag-ML, bigla akong nang-trip at nag-ayang i-bag raid namin ang mga bag ng Admin team. hehe! Buti na lang at pinagbigyan naman ako ng aking mga kasamahan (isang perk ng pagiging buntis... nakakauto ka. hahaha!)

So ano naman ang nangyari during the bag raid? Marami! Nagtawanan kami at the same time marami ding natutunan tungkol sa mga different personalities ng aming mga ka-opisina. Tsaka, marami ding nainggit at humiling na sana ay i-bag raid din namin sila. Sorry na lang sila at tapos na ang lunch break. Maybe next time.... hehehe!

Ito ang mga bagay bagay na natutunan ko tungkol sa aking minamahal na Admin team after naming bulatlatin ang bags nila:

Ivy: Madaming notebook/planner sa bag. Hanggang ngayon binubuhat pa din nya ang Starbucks planner na pagkabigat kahit meron naman syang maliit na notebook. hehe! Kaya siguro sya organized na nilalang dahil sa dami ng planner nya. 

Tina: Very organized ang bag nya kahit na ito'y isang backpack at madaling magulo ang mga gamit sa loob ng backpack. Kaya din siguro si Tina ay isang organized na tao, as confirmed by her bag.Nalaman ko din na loyal sya sa aming kumpanya dahil sa dami ng merchandise nyang ganito ang tatak. Mahilig sya sa designer. haha!

Aisza: Ito ang pinakamalupit! Akalain nyong may tumalo kay Pops Fernandez sa dami ng lipstick at lip gloss na meron sya sa kanyang bag! Panoorin nyo ang kanyang video para malaman kung ilan!

Elver: Magaling maka-amoy ang batang ito kung may bag raid. Ang strategy nya para hindi mabuking ang dumi sa bag nya ay wag magdala ng bag. Instead, plastic bag na lang ang gamitin para nga naman kapag may bag raid, ito lang ang ipapakita. haha! matalino!

Rog: Sya talaga ang may pinaka-magarang designer bag sa aming lahat kasi totoo ang designer nya, pero since humble lang talaga itong si kumare, hindi niya pinahalata ang pagiging designer ng designer bag nya. haha! Madaya din itong si Rog dahil isa sya sa unang nakaisip na mag-bag raid (di ko na sure ngayon kung sino kasi talaga sa amin ang unang nakaisip hehe), kaya pala matapang siya kasi nag-ayos sya ng bag nung night before. tsk tsk. her bag is not in it's natural state. haha!

Wendy: Nalaman-laman ko lang na mahilig pala sya sa direct-selling business. Balak ko pa naman maging AVON lady. Wendy, paano ba sumali dito? hehehe...

Ena: Hindi ko din alam o plinano na mag-bag raid pero sa kabutihang palad, nagpalit ako ng bag kaya maayos naman yung bag ko kahapon at in fairness, walang sangkatutak na skyflakes silang naabutan (naubos ko na kasi ata hahaha)

Sai: Isa ding super organized na nilalang itong si Sai. Grabe sa sobrang organized ng gamit nya kahit pa ang gamit nya ay backpack.. Hmm, dahil doon napapaisip tuloy ako... hindi kaya mas organized talaga kung backpack ang gamit imbes na shoulder bag??!?

Terence: Idol niya si Jericho Rosales pagdating sa undies. At dahil sa bag raid na ito, alam na namin ang sagot nya sa malupit na tanong na "Boxers or Briefs?" Gusto nyo din bang malaman ang sagot? Panoorin nyo na lang!

Lui: Kahit na di naman sya officially Admin, pinagtripan pa din namin ang kanyang bag. Di bale, unofficial member naman sya ng Admin. Dito ko talaga napatunayan na higit na organized ang pag-gamit ng backpack.

Masaya talaga pala ang mang-bag raid. Kaya dahil dito sa uulitin ay BIN RAID naman! Sana bago sila mag-building move para hindi pa naka-ayos ang mga bins. hehehe!

4 comments:

  1. excited na ko sa bin raid! sana naman next tym eh iannounce di ba para naman makapag ayos kahit pano! hahahaha!

    ReplyDelete
  2. hay naku! akala ko ba busy ang admin team? mabigyan nga ng sandamakmak na tasks hahahah! kung ano2 kc ang naiisip hehehehe! c lui kawawa naistorbo pa...ako ren nalaman ko dto na c aisza ang pinaka-kikay na nakilala ko dto sa ofis :)
    marekoy we miss you so much! nabawasan ng makulit at madaldal dto hehehe!

    ReplyDelete
  3. busy naman talaga ang admin ah! busy sa pangungulit. bwehehehe! tsaka once in a blue moon nga lang tayo tumayo sa kinauupuan natin eh..parating subsob sa trabaho. naks!! hay naku, si aisza ang pinaka-kikay sa lahat.. si lui ay may pagka-vain din at si sai ang pinaka-organized!

    miss ko na din kayo....kung tahimik dyan...pagsalitain mo pa si wendy... madaldal naman yan eh..maingay pa. hahahaha! :)

    ReplyDelete
  4. wala kaya ko makausap, huhuhu! tinatawanan nga ko ni jo minsan, kinakausap ko daw sarili ko, hehehe! ena balik ka na after 1 week mong ilabas c yui, hahahaha!

    ReplyDelete